Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 1, 2007

Tanaga Ng Panambitan Sa Kalikasan

O, puting Himpapawid,
Sa may bubungang langit;
Sino ang gumuguhit
Ng kulay mong marikit?

O, Ulap na kay-ganda’t
May kidlat pang kasama,
Sa tuwing malamina’y
Diwa ko’y may lampara.

O, madaskol na Kulog,
Huwag kang mayayamot;
Sa init na yumapos
Sa iyong pagkatulog.

O, malamig na Hangin,
Haguri’y salamisim;
Sa libong paninimdim
Ng aking takipsilim.

O, aking Bahaghari,
Kulay na sari-sari’y
Kaninong pag-aari?
(Pahiram nga sandali.)

O, Bitwing paraluman,
Isaboy mo ang ilaw
Ng iyong pagmamahal
Sa landas nitong gunam.

O, trumpong ipuipo,
Ikaw nga ba ang bunso
Ng nalangong delubyo
Sa kalikasa’t tao?

O, Ulan ay ipatak
Ang ‘yong tubig na perlas,
Pamukaw sa pag-iyak
Ng puso kong napilas.

Hulyo 2, 2007


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: