Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 1, 2007

Soneto Ng Proletaryo (Kay Ka Sergio Romero)

Rindido ang utak sa lansakang bulong,
Elising umikot ang hilong hinahon.
Bakit may pingkian ang Pinoy sa Pinoy?
O, bayang gulapay saan paroroon?
Ligalig na diwa’y umingkat sa gubat,
Ugat ng simula’y ipunin ang patak;
Sipsipin ang tulo ng tamisang katas
Yakapi’y prinsipyong dapat na tumanyag.
Olimpong makisig at walang tigatig,
Na lilong masama’y laging nilulupig;
Ang munting armalayt putok ang pang-akit—
Ragasa ng bala ang api’y pinatid
Yaong kadenadong sa isip nanggapos
Olibang mabango sa uring hikahos.

Hulyo 2, 2007

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: