Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 1, 2007

Matamis Na Dila Ang Titik Sa Celfone

Sa dulo ng kawad tayo’y nagka-usap,
Pahikbing inanas ikaw’y pina-iyak
Ng isang ka-textmate na lilong nangusap
At sa tuksong himok dagli kang pumayag.

Kayo ay mag-eyeball sa SM Megamall,
Balani ang bulong ng brand new n’yang celfone;
Kaya napaikot, elising gumulong
Hantungan ay k’wartong may yelo ang simoy.
Ikaw’y pinatahan ng masiglang ringtone,
Kabuntot ay usal na mahinang bulong;
Ako’y naririto’t ikaw’y ikakandong
Upang sa bisig ko dito ka magnguyngoy.

Ang titik sa celfone, matamis na dilang
Kay-raming tumikim na napariwara.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: