Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 1, 2007

Apat Na Tanka Sa Laot (Tanka Poems)

1. Walang Isda Sa Laot

Dambang gumaod
Ang hapong Maninibog
Sa timog-laot.
Walang pusag at kislot.
Tiyak, mamamaluktot.

2. May Rilim Sa Laot

Kulimlim itay,
Mga ilang banatan
Ang iuumang
Natin sa kalawaang
Parang isang kalansay?

3. Tamaraw Sa Laot

Bangka at sakag
Ang laging sumusuwag
Sa aming dagat,
Kung kaya’t umiiyak
Ang hagdang mga anak.

4. Mga Bakaw Sa Laot

Tigib ang bangka
Ng nangahuling isda.
Ama’y natuwa—
At dumagsa ang batang
Gutom ay mawawala.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: