Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 29, 2007

Sa Palibot Ng Katauhang Nalulungkot

Bakit ikaw ang itinibok
Ng aking puso? Nilililok
Ba ang pag-ibig sa palibot
Ng katauhang nalulungkot?
Bakit ba kita minamahal
Nang higit pa sa aking buhay?
Samantalang ikaw’y huklubang
Naaagnas na’t nalulusaw.
Siguro, ito ang biyayang
Ang Panginoon ang nagtakda,
Upang magningning yaong talang
Sa papawiri’y lumuluha.
Ang katapusan kong pag-ibig,
Ipagdarasal ko sa Langit.

Hunyo 30, 2007


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: