Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 28, 2007

Ayaw Kong Titigan Ang Mukha Ng Lungsod

Ayaw kong titigan ang mukha ng lungsod,
Dahil ang dibdib ko ay parang sasabog;
Habang ito’y lagmak sa paghihikahos
At ang kagandaha’y walang umiirog.

Sino ang gumanot ng puno’t talahib
Na pinamugaran ng aming pag-ibig
Sa Hi-way 54 at ang ipinalit—
Higanteng mga Mall, kaminong masikip?

Sa tuwing sasapit hilong dapithapo’y
Hindi matitigan ang kumpulang lason
Sa lungsod kong mahal na unting lumambong;
Upang mangakitil ang hingang nagnguyngoy.

Ayaw kong titigan ang mukha ng lungsod
Na di naghilamos sa tindi ng pagod.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: