Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 27, 2007

Ang Una Kong Libro

Ang Una Kong Libro

Raul Funilas

Iyan daw pagtula’y parang isang ulan,
Mahirap bumuhos panahong tag-araw;
Subalit pagdantay nitong kasawian
Uulan ng tula ang pusong luhaan.

Ang mga tula ko’y para ko ng anak,
Naroong sabuyan bangong halimuyak;
Minsa’y uyayii’t halika’t iyakap
Bigyan ng pangarap maging isang aklat.

Ang libro kong ito’y taon ang ginugol
Upang mailuwal. Ako ay nagtimbol
Sa laot ng lawang may balumbong alon
At sigwadang hanging kay-timyas sumipol.

Pupong metaporang mahimbing ang tulog,
Aking ginigising gamit ang taludtod;
Utusang lumipad, lumamba-lambayog
Upang mambabasa’y lagi s’yang tumampok.

Aking hinayuma ang lumang salita,
Pinagpantig-pantig sa sukat at tugma;
Aking iginaod bangkang talinghaga
Sa laot panitik nitong ating bansa

May linyang pag-ibig at himig digmaan,
May libong hinaing at harot dupluhan;
Merong panunutil at inis pang-uyam
May tuksong malibog at may kasiyahan.

Subalit makata wala ditong pera,
Ang gawang pagtula ay isang parusa;
Kung wala sa puso ikaw’y magpahinga’t
Bilhin ang libro ko’t ikaw ay magbasa.

Hunyo 28, 2007
UP-Diliman


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: