Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 25, 2007

Gadangkal Ang Bakas Ni Ama Sa Lupang Hinirang

Gadangkal Ang Bakas Ni Ama Sa Lupang Hinirang

Gadangkal ang bakas ng kay amang yapak
Sa Lupang Hinirang na kanyang lupain.
May patak ng ulang gusto n’yang habulin
Kaya nagpapawis ang balat-balagat.

Gadangkal sa bukot ang butil panghasik
Na kanyang inipon noong katag-araw.
Gustong maibabad sa bakas-kalabaw
Upang mamalumpong sa libis ng bukid.

Subalit kaagaw ang buwitre’t tabon
Na laging panakaw ang pananalasa.
Biglaang umalsa’t aldabis ang taga:
“Ako’y maghahanda! At ito’ng panahong

Dapat makinabang sa lupang minana
Ang milyon kong anak na nangagdurusa.”


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: