Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 22, 2007

Sa Loob Ng Bus

Aking ihuhunta’y totoong naganap,
Nang minsang sumakay sa bus. May palabas
Sa tv, mainit ang halika’t yakap.
Nagalit ang lolang sa screen sumulyap:

“Bakit kay-hahalay nang pinapanood
Diyan sa tv n’yo?” Padaskol umingos,
At ako’y kinalbit na naninikluhod
Na siya’y damayang ang tv ay I-off.

Hindi ko pinansin ang huklubang lola,
Dahil sa maganda yaong pelikulang
Nangagkubabawan sa bilog na kama
Ang bidang babae at lalaking bida.

Lumao’y tahimik lola kong kalapit,
Nakaw kung sumulyap ngiti’y maninipis.

Hunyo 22, 2007
Genesis Bus Terminal
San Fernando City, Pampanga


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: