Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 22, 2007

Batis Ng Buhay

Isa akong likaw na batis,
Ulani’t arawin pagtangis;
Batong buhay ang hinihilis
At timbulan nitong pag-ibig.

Isang laguna ang inipong
Tubig mula sa tangwang talon,
Na yupyupan ng dapithapong
Alalay ang buwang lalambong.

Ang agos ko’y luhang hinigop
Ng dagat, luminaw sa pusod
At naging tahanan ng kislot
At pusag ng isdang malikot.

Katulad ng taong may buhay,
Namamatay kapag sinamlang.

Hunyo 23, 2007
Sa batis ng Sta Ursula, Guagua, Pampanga


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: