Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 20, 2007

Pandesal

Maaga akong nagising kaninang madaling araw.
Tulad kahapon, nagmumuni-muni akong nakatingala
Sa palupo at biga ng bahay.

Nakita kong muli ang isang gagambang
Nakatukmol sa kaniyang kuwebang lawalawa,
habang may isang butiking nakaabang sa kaniyang paggising.

Nagitla ako nang pumitada ang torotot ng magpapandesal,
Napatakbo ang butiki sa narinig naming pitada,
Pati ang isang gamogamong nagitla ay naligaw
At nalambat sa lawalawa ng gagamba.

At isang kisapmata’y niyugyog ng gagamba
Ang kaniyang bagting at nanikit ang gamogamo
Sa lawalawa. Nang maramdamang bihag ang gamogamo’y
Dagliang nilusob at pinaikutan ng sapot niya sa puwitan.

Sinamantala nang nagulat na butiki ang paglabas ng gagamba,
Apat na paang tinarundon ang kinalalagyan ng gagamba
At ito’y kaniyang sinakmal.

Tinawag ko ang batang pumupotpot ng torotot
At ako’y bumili ng limang pirasong pandesal.

Hunyo 21, 2007


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: