Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 18, 2007

Soneto Kay Bususoy (Talim Island Boy)

Tandang tanda ko pa nang aking lisanin,
Ang nayon ng Tabon sa pulo ng Talim;
Lahat ay nagitla! Bakit nakarating—
Islang Mindanaw sa pagliliwaliw?
Matapang daw ako’t talagang tigasin.

Iwing dinadala ay katotohanang
Sinisid ang putik sa hirap sumingkaw,
Laki sa batuhang puntod na matibay
At ang kinakai’y ayungin at bahaw;
Ngunit merong pusong laging mapagmahal
Dahil batang pulong gumabay ay tatay.

Bigwas nitong hangin ay inaapupa,
Ohales ng lawa’y galang sa pagsinta;
Yamang kinalugdan ang laksang sonata.

Hunyo 19, 2007


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: