Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 18, 2007

Kapus-palad

Sa isang pistaha’y minsang naimbita
Ang abang lingkod n’yo bilang manganganta;
Labas ang litid ko ng aking makita’y
Isang pagkagandang dalagang probins’ya.

Biglang binulungan ang punong Hermano,
Lipos pong pumitlag ang puso’y maukdo;
Ipakilala po sa Musa ng baryo’t
Baka masalungkit matamis n’yang oo.

At ako’y namangha nang iglap mamasid,
Sobrang pagkalukong ng ‘tinagong dibdib;
Agad na nagnakaw ng lihim na halik—
Aba’t gumanti s’ya at ako’y inibig.

Palad ko’y gumapang, sa pisngi, sa hita;
Sa puson, sa batok, sa braso, sa baba;
Dagliang nadarang naghubad na kusa
Ramdam ko’y umangat paa ko sa lupa.

Dumako ang palad sa malaking suso
Kapus ang palad kong hindi masapupo.

Hunyo 18, 2007


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: