Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 15, 2007

Panday Na Ang Punglong Hahango Sa Bayan (Alay kay Axel Pinpin)

Wala akong baril at pangal na itak,
Wala ring salapang at punyal na bangas;
Ang tanging sukbit ko ay isang panulat
Ng mga tula kong gustong makalipad.

Pisara ko’y banig nitong himpapawid,
Laksang pag-aaklas bumuntis sa isip;
Natutong magdasal umamot sa langit:
Nawa’y maging punglong ubod nang balasik
Ang linyang taludtod ng likha kong Awit,
Upang asintahi’y ang ulo ng ganid
Na nagpapahirap sa bayan kong amis.

Paglipad ng punglo’y humanda ka bayan,
May pulang sisilay sa gawing silangan;
Katawang mong ngimay aking lulunasan.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: