Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 13, 2007

Ako’y Bilanggo Ng Taludtod At Saknong

Nais kong irehas ang aking taludtod
Sa punggok na saknong ng lumang salita,
Kaya ang lapis ko’y hindi nauupod
Sa talim ng kilay nitong talinghaga.

Ninais kong laging makulong sa wikang
Nalimot na yata ng globalisasyon,
Upang may masagap mga bagong batang
May damdaming handog sa kanyang panahon.

Nais kong buhayi’y huklubang Balagtas
Na langkap at hakab ay modernisistang
Kanilang hinalaw sa dayong balangkas;
Kaya ang tula ko ay isang parusa.

Subuka’t matyagan ang kilos ng tula’t
Subuking gayahin ang maikling tugma.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: