Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 5, 2007

Ang Sanak

Ang Sanak

Lumubog pag-ingkat ang paa ni ama
Sa pikating lupa upang magkaingin.
Merong bahaghari sa kadatig hangga
At umid ang ngiti niyang hahawanin

Ang dawagang lupa. (Ng sa sunod-araw
Ay makapagbakal at makapaghasik
Ng buto ng mais.) Pinilyegong yangkaw
Na pagniningasin hanggang sa magtitis.

Matamang sinuyod ang naabong sanak
Nang biglang lumurok ang ulan, may banta
Ang hangin, maitim ang kaliskis-ulap
At ang bahaghari’y dagliang nawala.

Tulad din ng sanak, dingas ma’y matayog
Ay laging may abong sa lupa’y lulubog

Sanak- Tumpok ng inipong yangkaw o tangkay ng mga kahoy
Na sinisilaban tuwing magkakaingin.

Hunyo 6, 2007
UP-Diliman

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: