Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 5, 2007

Awit Ng Maghapon At Magdamag

Awit Ng Maghapon At Magdamag

Natutulog nang mahimbing ang gabi nang gulantangin,

Nitong mga perigrinong may kislap sa papawirin;

Libong kutitap nagsaya ng dumating na bituin

Binabati itong gabi ng masigabong luningning.

Pumupungas ang pagsilay ng araw sa silanganan,

Naliligo nang tahimik ang dagat at kabundukan;

Nagsisinding unti-unti ang araw sa paglalakbay

Sa katirikang tanghali’y itong ulap nagsasampay,

Upang lumamig ang kulay ng kanlurang naghihirap.

Ang buwan ay nakangiting nagsasabog ng liwanag

Upang siya’y makalayag walang sagwil sa magdamag

Na ang mga nakatingi’y isanlaksang alitaptap

Bumabalani ng kislap upang ito’y maikalat

Sa sanyutang magsing-irog na naghangad nitong sinag.

Awit ni Tata Raul

05 Mayo 2007


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: