Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 2, 2007

Pulang Dugo Ang Awit Ng Bayan

Ang pula kong damit kapag isinuot,
Gusto kong sa digma ay dapat tumampok;
Dahil ito’y tanda ng dugong umagos
Sa bayang ang laya’y lipos na busabos.

Gayun din ang matang talisik ang liyab
Sa pagkakatitig sa taksil na anak;
Nitong ating bayang walang inatupag
Kundi kurakutin ang kaban ng pilak.

Balagat-balikat kapag namumula’y
Pasan-pasa’y luhang umalpas sa mata,
Nitong Anakpawis sa mga empresang
Ganid yaong among limpak ang kinita.

Kung ang pulang kulay, ihalo sa puti;
Magiging pag-ibig, Rosas ng bighani.

Sa QC Memorial Circle


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: