Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 23, 2007

Hayaang Mapulot Ang Iyong Talulot

Matigas na muhon ang ‘yong inilagak
Sa aking hanggahang may nagmamay-aring
Hindi nagampanang tahakin ang landas,
Upang manatili’ng masayang sandali.

Ikaw’y bulalakaw na biglang lumitaw
Sa dilim ng gabing ni walang kuliglig
At walang bituing alalay ng buwan.
Sa buhay kong lagmak at nahilong isip.

Saan ka nanggaling at di mo napipil
Ang iyong ginawang kislap ng hiwaga?
Ikaw ba’y hampila sa subyang hilahil
Nitong sinadlakang ni tinga ay wala?

Kung mamarapati’y hayaang mapulot
Nitong aking puso ang iyong talulot.

Abril 24, 2007
UP-Diliman


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: