Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 1, 2007

Sinasalamin Ko Ang Kalawakan

Sinasalamin Ko Ang Kalawakan

Malapad na salamin sa akin ang kalawakan.
Nakikita ko sa aking sarili ang mga ulap
Na walang tigil ang apurahang paglalakbay
Sa tuwinang sumisimoy ang hanging sabalas.

Ako ang lumilipad na ibong minamasid
Ang banig ng dagat at anit ng bundok,
At naghahanap ng pagkaing madadagit
Upang laging may lakas ang pagbulusok.

Ako ang maningning na bituing tumatanglaw
Sa rabaw ng tubigang bumabaldig na parilong
Ang silay upang mapawi ang malaong lumbay
Na namumugad sa alimagmag ng aking kahapon.

Dito ko natatanaw ang ginintuang gunita ng buwan
Kapagka kumakatok sa aking diwa ang nakaraan.

31 Marso 2007


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: