Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 1, 2007

Nang Hindi Maipaliwanag Ang Pag-ibig

Nang Hindi Maipaliwanag Ang Pag-ibig

Isang boteng alak ang halinhinan nating ini-aangat
Upang isalin,tunggain at lasapin sa isang saro ang sarap.

Sa tuwinang iaangat mo ang iyong mukha
Upang tumitig sa nagtatanong kong mata,
Lumililok nang ngiti ang labi mong sutla
At walang kurap ang mata mong nakahahalina.

Ini-aangat mong sabay ang iyong dalawang kamay
Upang marahang idantay sa hubad kong balikat,
Bahagya kang tumingala at ang labi ko’y hinalikan—
Hanggang malunod tayo sa iilang sarong alak.

Umaangat ang kaluluwa natin sa rabaw ng lupa
At magkasamang naglakbay sa nakatagong daigdig,
Hawak kamay na walang patlang ang paglikha
Ng hindi maipaliwanag na bagong pag-ibig.

Lunod Na Pag-ibig

Nalulunod ka sa lumanay na dantay ng daliri
Ko sa iyong dibdib habang tayo ay pag-aari
Ng sanlaksang pagnanasa. May luha’t hikbi
Ang balong matagal nang sa pag-ibig ay sawi.

Sumisinghap kang ipinaubaya ang magaganap
Sa karimlang ang puso ay ligalig at pumipiglas,
At ang hanap ay ang mahigpit kong pagyakap—
(Gusto mong h’wag nang matapos ang magdamag.)

Sumisikad sa paglangoy ang lastag mong katawan
Sa karagatang ang alon ay maugoy na parang duyan,
Hanggang sa ikaw’y makarating sa sinapupunan
Ng dalampasigang naliligo ang nakangiting araw.

Umahon ka sa pampanging punumpuno ng pag-ibig
At tuluyang iwinaksi ang pananalig sa ligalig.

Bakit Gusto Ninyong Ipako sa Kurus si Kristo

Kaya nagkasala ang taong
Rindido ang isipa’t gustong
Ipako sa Kurus si Kristong
Sinasabing maraming milagro’y
Talamak na kayong diyablong
Opo nang opong parang santo.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: