Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 25, 2007

May Tagas Ang Batas Ng Dagat

May Tagas Ang Batas ng Dagat (Sa Lawa ng Laguna)

Raul Funilas
Setyembre 8, 2006

Dalawandaang dipa mula sa pampang
Ang espasyong bigay ng pamahalaan.
(Batas ng lawa.) Upang maluwag ang galaw
At magustuhan nitong turistang dadalaw
Sa aming pulo ng Talim. Hindi dapat
Lagyan ng palakayang kinabiting baklad,
Pante, bubo*1, bombon*2 at skylab**. Maluwat
Namang sinunod nang bawat magdaragat.
Tatlong ektarya naman ang regulasyon
Sa bawat indibiduwal na magkukulong
Ng isda at limang ektarya sa kulumpong
Magbabakas-bakas o iyong korporasyon.

Subalit ang lambatan ng bayan ay butas,
Dahil ang pinuno ang umurak*** sa batas.

*1 sinalit-salit na kawayang panghuli ng hipon
*2 Mga dulo ng kahoy na binigkis at kanlungan ng hipon at biya
** makabagong baklad
*** saksak, ulos, tusok, kadyot


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: