Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 22, 2007

Pulubing Pag-ibig

Bulag ang pag-ibig, pilay, pipi’t bingi,
Tulad nating ayaw kumilos sa tabi;
At nakamihasnang maglunggang tutuli
Sa tengang kawaling hindi makasaksi.

Ang ating pag-ibig walang pakikinggan,
Kundi ating tinig na maalingawngaw;
Bigkasing ‘tang sabay ang sariling ngalan
Malalim na hinga’y tubig na kay-linaw.

Binabasa’y wala kung hindi pangarap,
Ang karimlang gabi’y may sinag-liwanag;
Bawat tulang akda’y talas-yumayakap
Sa isipang baliw ang tikladong sulat.

Nilikhang pag-ibig ng liko’t mabigat,
Upang maging bingi, pilay, pipi’t bulag.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: