Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 22, 2007

Piging

Piging
(Sa Sonetos Postumos ni Rio Alma)

Raul Funilas
10 Mayo 2006

“Pumarine ka sa palasyo ng ikatlo’t kalahati
Upang di ka maiwan.” Ako’y napakagat-labi.
Dahil ang nag-utos ay ang mahal na hari.
May malaking piging at laksa ang babati.

Pawang duke at kondesa ang piling bisita
Sa asoteang may tatlong sampagita sa mesa,
May handang makaroni at bariles ng serbesa;
Nang magtalumpati’y kay-daming nagtaka’t

“Maraming salamat po!” Mutawing tatlong beses,
Sa pugay ay palakpak ang pawang ibinalik;
Lahat na naroon ang namuo’y pag-ibig
Sa haring kay-tagal sa talinghaga’y nanungkit.

Ang dahong pinitas sa bungong may laurel,
Parang isang layag sa dagat na papel.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: