Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 20, 2007

Pananalindaw Sa Paglubog Ng Araw

Papalubog ang araw kung pumalaot si ama sa lawa.
Sinasamantala niyang pauwi sa pagaspasan ang isdang
Sa palibot ay nangaghanap ng lamad at lumot na sariwa,
Dumadamba sa pananagwan si ama sa lumang bangka.

Kailangan niyang maikalat ang lambat bago dumilim,
Para mahuli niya ang nangungunang kawang inahin
Na natatakot maabutan ang mga kiti nila ng takipsilim;
Dahil sa oras na ito naglipana ang mabubugsong hangin.

Tulad din ni ama ang mga isda. May alalahaning matulog
Ang anak na hindi tiyak ang kakainin sa umagang pagdulog
Sa dulang at ang isda’y sinisiguro ding ang kiti ay busog
Sa maghapong pananagpang sa lawang naglikaw ang ilog.

Lumulubog ang araw na ang kahel at tudlang alimagmag
Ay palatandaan ni ama at ng mga isda sa pusod ng dagat.

15 Marso 2007

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: