Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 20, 2007

Lingkis Ng Hilahil Ang Bayan Ko

Iniwanan kita sa dalampasigang
Maraming kanturing nasa buhanginan,
Ang luhang naipon sa mata mo hirang;
Katirikang araw ay tuloy paghagdan

Hindi ka kumaway sa aking pag-alis,
Ang dibdib ko nama’y tila naninikip;
Dahil ang paglisa’y hindi ko ninais
Ito’y dala lamang ng isang pag-ibig.

Dapat kong gampanan ang tanging tungkuling
Atang nitong bayang lingkis ng hilahil,
Ako’y paparoon sa digmaan nating
Kapwa Pilipino ang gustong makitil.

Ang sumpang pag-ibig sa bayan kong mahal,
Dapat matahimik ang digmaang bayan.

19 Marso 2007


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: