Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 20, 2007

Kumbulsiyon

Walang pasubaling sumanib sa loob
Ng katawang puno ng hiningang kulob,
Tila nilalagot ang bawat himaymay
Ng walang kamalay-malay na katawan.

Sasanib sa ulong tuloy ang pagsingit
Sa buto’t kalamnan. Pinitik ang pintig
Ng puso’t bumagal ang daloy ng dugo
Ng batang humiga’t hinga’y pinupugto.

Nahihibas lamang sa lamig na dala
Ng isang pamunas o basang tuwalya,
Ganyan ka dumapo, walang pinipiling
Oras. Natatakot sa biglang pagsapi

Ang bawat katawang walang ilulunas
Sa iyong pagdalaw at di makaiwas.

19 Marso 2007


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: