Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 20, 2007

Kantora

Tiyakin mong maibukang mabuti ang iyong bibig
At maigalaw ang dila na bawat lalabas na himig
Ay makapagpapa-aliw tulad ng mga salitang iniisip.

Huwag mong patutuyuan ng laway ang iyong dila
At punuin mo nang hininga ang tiklado ng baga,
Dahil ang iparirinig mo’y awiting napakapayapa.

Kung sakaling ang himig mo’y hindi marinig sa ilang,
Gawing balisunsong ang palad ng dalawa mong kamay;
Upang sa lahat ng sulok, tinig mo ay umalingawngaw.

Titigan mong mabuti ang durungawang naglalagos
Ang sinag ng araw at damahing umaakyat sa rurok
Ang bawat timyas ng himig upang marinig ng diyos.

Huwag kang aawit kung hindi kakayahing mabigkas
Ang titik ng himig na sa dibdib ng puso nagbubuhat.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: