Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 20, 2007

Amihan

Ang simoy mo’y maiilap na pag-ibig,
Bugso-bugsong humuhugos sa paligid;
Hinahawan ang libag ng himpapawid
Na kanlungan ng ulap na nagtatalik.

Kabundukan ang kublihan ng pangarap,
Ang dalisdis at tumangwa’y niyayakap;
Natatakot na ang bangis ay malantad
Dahil ikaw, O, Amiha’y kapuspalad.

Naginaw ka O, Amihan, sa paghaplos
Sa lawaang walang hupang umaagos;
Ngunit kapag nasasaling kang mairog
Nababasag ang sigwa mong kinalupkop.

O,Amihan sa puso ko’y pagapangin
Ang mailap na simoy ng takipsilim.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: