Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 8, 2007

Tumbalik

Tumbalik
ni Raul Funilas

May nalito,
ang talino
sa Latinong
panitik.
Tinipak
ang sigla
at gilas
ng alamat.
Ang malatang
sagalsal
ng lagaslas
ay naligaw
sa liwanag
ng lonang
tila along
may laksang
lakas.
Tumalas
ang salat
na salik
sa likas
na asal
ay lumasa
ang langis
sa signal
ng angil
paglinga
sa dalampasigan.
Ang sinag-mapalad
na buhat sa ulap
ay bumaba sa lupang
may halik
na likha
sa sangang
naagnas.
May hikbi
ang hibik:
Yumakap
sa pakay
ang inaliping
Pilipina
sa napipilas
na Pilipinas.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: