Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 4, 2007

Entry for March 04, 2007

Paghugot Ng Huling Hininga

Raul Funilas

Hinuhugot na ang huling hininga ng isang takda
sa sinapupunan ng naghihingalong umakda
ng isang buhay na hinagdanan ng mga luha.
At alam ko, siya ang pinakahuling mamamangha.

Hindi na puwedeng ipagkaila ang mga nagaganap,
Maraming matang naglipana ang laging nakasulyap
At naghihimagas sa nakapamintanang mga yakap
Na kahit sanlibong galtang ay hindi matutungkab.

Ang takda ay takda! Habang may labing panahon,
Kayo ay humanda upang makaiwas sa isang buhong
Na dadaluyong sa hindi matanggap na himatong
Ng mga nagsumbong na lumilipas ang hinahon.

Damputin ang pusong nababagabag at italilis
Sa landasing nag-aabang ang laksang pag-ibig.

5 Marso 2007. Raul Funilas


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: