Ipinaskil ni: Raul Funilas | Pebrero 21, 2007

Gunita

Gunita

Isa kang larawan ng lumang kahapong
Hindi masansala ang iyong pagbangon.

Ganyan ka Gunita!

Mapusyaw na labi ng dusa’t hinahon
Sa pusong buhay pa’y gusto nang maburol,
Na ang bawat halik waring isang lason
Ang laging palasap sa bigo kong layon.

Sampung kasiyaha’y aayaw pumanhik
Sa pusong sakbibi ang sawing pag-ibig.

Ikaw nga Gunita’y:

Hudyat ng umaga sa paninilahis,
Parang ipuipong kay-bilis umalis.
Ngunit sa mapalad ang iyong kawangis
Ay mabangong rosas at payapang langit.

Hindi ba Gunita

May tuwa at lungkot ang bihis mong taglay?
Sa pusong nasawi’y walang kabuluhan,
Paano Gunita ang aking pananaw—
Dilim ang yakap ko sa gabi at araw.

Kaya nga Gunita:

Ang samo’t harana’y ako ay layuan,
Itulot mayakap ang katahimikan.

Raul Funilas
February 22, 2007

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: