Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 22, 2007

Entry for January 22, 2007

Lalake
 
Raul Funilas
 
Isinilang ka ng iyong ina upang maging ama ng iyong mga anak.
Hindi ka lulubay sa pagduduksong sa magiging patlang ng wakas,
Ikaw ang haliging magpapasan ng hilahil  sa pilapil na lalandasin
Upang muling bumalik sa sinimulang hiwaga ng isang takipsilim.
 
Ang moog ng sambuntong nilikha ay matitibag sa iyong paglikha
Ng bagong pag-asa. Dahil ikaw na isinilang nang hubad na may dagta
Ng sumpa ay patuloy na lalambayog sa kumpulang ulap upang mapuno
Ng ulang ihuhugas sa iyong katawang laging may kumukulapol na dugo.
 
Makakabayad ka sa iyong magulang sa pagiging ulirang anak at ama
Ng iyong mga anak kung ibubuyo ang sariling lalaging higitang madama
Ng anak ang ginawa sa iyo ng iyong magulang upang ikaw’y maging ikaw.
(Ang salapi’y palamuti sa buhay na gumagalaw—higit ang pagmamahal.)
 
Isinilang kang hubad sa mundong ibabaw at hubad ring magiging alabok
Kung sakaling dumating ang tunay na Lalaking sa Kurus ay tumampok.
 

                                    Lalake
 
      
Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: