Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 11, 2007

Gabay at Subaybay (Sa Kamakatahan)

Gabay At Subaybay
(Sa Kamakatahan)

Hindi kayang bayara’ng
Pera ang kasiyahan
Nitong bawat nilalang
Sa Kamakatahan.

Nagiging bulwag
Nitong pangarap
Ang pagpahayag
Sa puso’t utak.

Gabay at sumusubaybay
Sa malayang panulaan,
Ang sutilan at mahalan
At kung minsan ay tampuhan.

Ako, Tatang yagit na kunwa’y makatang
Ang inilathala’y walang k’wentang tula,
Subalit may diwang palaging tulala;
Lalo’t nanunungkit sa mata ng muta.

Ang aking haraya’y nais kong iambag
Sa Kamakatahang lipos kong niliyag;
Hayaang pumatak ang tinta’t kumalat
At inyong suriin ang bikas-balangkas.

Inyong subaybayan ang katha ko’t gabay
Sa pananaludtod ng sukat, tugmaan;
Inyong mababatid at matututuhan
Ang kahalagahan ng pintungang banghay.

Sakali’t
Mapudpod,
Mabakli,
Maubos

Ang karbo’t
Kompyuter,
Lumikom
Ng papel

Isulat
Ang titik
Na kagyat
Nawaglit.

Ito’y parang pag-ibig
Na hindi mawawaglit
Lagi-lagi sa isip.

Dahil ako’y gabay at sumusubaybay:

Ang payo ko’y sundin: (Isang panambitan.)
Tayo’y sama-samang tunghay wawagayway,
Upang ang bandila ng Kamakatahan
Ay lipos ang siglang magningning ang kulay.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: