Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 8, 2007

Dalawang Gulong Ng Kanilang Sasakyan

Gumugulong ang sasakyang may sakay na kambal gulong,
Binabagtas ang kanlungang palubog na dapithapon;
Banayad na umuusad kaangkas ang laksang bulong
At kapuwa nangangarap na maghibla yaong buhol
Nang mapatid ang gurarap ng isambuntong linggatong.

Hatinggabi’y namumukaw gumugulong na banayad,
Tila kulang ang panahong kay-bilis ng tiktak-oras;
Dibdib nila’y nawawarat sa pag-usad ng magdamag
Mang-aagaw lamang sila sa silim na lumalayag
Sa laot ng pagmamahal nitong kambal na pangarap.

Dampi’t haplos gumugulong sa dibdib at hapong likod,
Sinusuyod ng daliri ang anit ng sintang irog;
Nagyayakap ang katawang ang bulunga’y umaagos
Kailan ba matutupad gulong nila ay umisod
Sa kaminong tinaluntong may adhikang mapabantog?

Nang ibabang kambal-gulong humagdan ang labing-ngiti
Sa imumit nilang oras at ligayang sasandali.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: