Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 7, 2007

Teritoryo Ng Aso

May teritoryo ang bawat nangangasta
At nagpapakastang aso. Ihi sa kalsada
Ang tanda upang ang hari’y makilala
Matapos ang isang labo-labo o giyera.

Bawat babaing asong may hiling paglalandi,
Ito ay magpapakasta sa kanilang bagong hari;
Kung kina-kailangang kagatin ang kanilang tali
Ang batas ng kanilang ugali ay hindi mababali.

Kailangang lahat ng nagpapakasta ay kaniya,
Anumang lahing aso, ma-askal o ma-tsuwawa;
Kung minsan, kapag pagod ang hari, may tawa
Ang naigupo sa labanan, pumapaypay ang tenga.

Nananakmal ang hari ng aso sa kanilang teritoryo
At umaangil na malisik kapag inaagawan ng buto.

Disyembre 28, 2006


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: