Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 7, 2007

Sambintanang Alitaptap Ang Dumalaw Kagabi

Sambintanang Alitaptap Ang Dumalaw Kagabi

Sambintanang alitaptap ang dumalaw
Sa akin kagabi, buntot-tumatanglaw
Sa masayang utak. Ubod ng liwanag
Samantalang amoy-amoy ko’ng halimuyak.

Sa palupong diwa’y laksang panaginip,
Sabik katuwaa’y banggera sa isip;
Sambuntong hagikhik ang idinudulot
Sanyutang pagtitig sa mabangong ubod

Saan ka nanggagaling may tinikang sanga?
Sa hardin ng puso’y laging nakikita,
Sagad ang pagsamba sa birtud-milagro;
Sabik araw-araw sa angkin mong bango.

Sana ang bango mo’y hindi magmamaliw—
Sa lahat ng taong tayo’y magkapiling


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: