Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 7, 2007

Propeta Ng Pag-ibig

Bakit? Katanungang akibat sa aking dibdib.
Paano mo pinasunod ang naghahagarang isip
Upang ang kimkim na sakit ay pirmihang maalis?
A! sadyang mahiwaga ang hagkis ng pag-ibig.

Reynang nag-aatas ang maamong bulong
Na limuting lahat ang subyang ng linggatong,
Hindi na babalik ang nawawalang kahapon;
A! Ikaw ba ang itinakda sa akin ng panahon?

Bakit ako sumunod sa hiling mo aking sinta?
Ikaw ba ay Propeta ng Pag-ibig o pantasya?
Saan ka nagmula’t iyo bang nakikita
Ang paraisong maghahatid sa aking ligaya?

Ako ay sumunod sa lahat mong utos,
Dahil minahal kang kaloob ng Diyos.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: