Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 7, 2007

Pangarap Mo’y Maging Angel

Pangarap mo’y maging anghel na bantay sa kalangitan.
Dahil sa ang liping puso’y may hataw ng karanasang
Di malimot at gusto mong paglingkuran balang araw
Ang mundo ng walang alam na huwisyo’y naliligaw.

Pangarap mong maging anghel ay mahirap na matupad,
Dahil sa ang pagaspas mo’y walang pakpak na umangat;
Walang bagwis ang dibdib mong pinapahak ng taglagas
Kaya ikaw hanggang ngayo’y walang patlang ang pag-iyak.

Matutupad ang pangarap maging anghel ka sa langit,
Kapag yaong mga luha ay mayroong pumapahid
At sa ‘yo ay naghahandog nang kaywagas na pag-ibig
Na kasalong magbabantay sa lahat nang pagtitiis.

Anghel ka ng kanyang pusong kasama mo sa kanluran,
Anghel ka ng magbabantay sa pinto ng kanyang buhay.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: