Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 7, 2007

Palasyo Sa Alapaap

Palasyo Sa Alapaap

Hindi naging sagwil ang pasikot-sikot at palikaw-likaw na landas
upang makarating tayo sa alapaap,
Naroon ay isang palasyong nagpagiyaot sa iyong nawawalang galak.
Kasama mo akong natatanging tagapagpasaya, tagapagtanggol, tagapag-lahat.
Bawat bugso ng malamig na hangin ay pinapalis nito ang iyong himutok at kulag,
ang iyong lumbay, ang di mo naranasang sandali ay abot-ulap.
Maraming pulas na ngiti at lumaon ay naging isang puwersang halakhak,
hagalpak ang pagmamasid mo sa sumasalikwang alapaap.
Mga talang kumikislap
ang naging saksi ng ating kaligayahan, walang kinahihiyan ang pamumulaklak
ng ating kaisipan dahil nasa gitnang bulwagan tayo ng Palasyo sa Alapaap
na nakatunghay sa nakapalibot na malikot na lungsod. Walang makitang pagod sa ating pag-akyat sa palasyong nasa gitna ng ating pangarap.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: