Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 7, 2007

Nang Mapawi Ang Hilam

Matagal kong pinawi ang ulap ng aking pagkatao.
Hindi iilang bayan o lungsod ang aking ginala,
Hindi mabilang na pagyuyukayok at pagpapaliyo.
Ng aking balagat ang sanyutang pagtingala sa tala.

Naroong huyhuyan ang araw sa kaniyang paglalakbay,
Paswitan ang bangkang buwan upang maki-angkas;
Kumanlong sa walang malay na punong malalabay
At kipilin ang basang palanas at sa katawa’y iyakap.

Hindi ko matagpuan ang linaw ng nawawalang mundo
Sa aking pagkatao.Hanggang sa matisod ko’y halamang
May tinik ang sangang sumundot sa sakong na nagkalyo,
At mahapding sumigid ang kirot sa buo kong katawan.

Napawi ang hilam na umuulap sa aking abo-abong isip,
Kay-sarap palang damahin ng sugat galing sa pag-ibig.

Enero 5, 2007
Tagpos, Binangonan, Rizal


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: