Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 7, 2007

Makikinig Ang Aking Pag-ibig

Hindi kita pakikinggan kung papasok
Kang sa iba ang kahilingan. Magdudulot
Ito ng ligalig sa aking puso. Napakatamis
Kung ang paglapit mo’y ako ang nasa isip.

Hindi kita pakikinggan kung ang iniluluha
Mo’y dagat na matabsing. Tiyak na mawawala
Ang linaw ng aking pag-iisip sa paglikha
Ng sonetong ilalangkap ay hiwagang talinghaga.

Hindi kita pakikinggan kung ang sigaw mo’y palahaw
Na bubutas sa pandinig. Mamarapatin kong ipataw
Ang parusang pagtitiis. Dahil ikaw’y minamahal
Ko nang lubos. Hindi kita maaaring pakinggan.

Pakikinggan kita kung sakaling gumigitaw yaong lapot
Ng pag-irog na aagos at patungo sa puso kong nakatulog.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: