Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 7, 2007

Lumang Balisong (ni ama)

Matagal na panahong iningatan ni ama
Ang lumang balisong na kaniyang sandata.
Dalaga pa ako nang aking makita’t
Alam kong ‘hinahasa sa tuwi-tuwina.
Laging nakasuksok sa may sinturera’t
Agad mangilatis ng lumiligadang
Susutsot sa aking natatanging ganda,
Mahayap maningi’t tila naimbyerna.

Ako’y natatakot kay amang balisong,
Tila mananaksak kapag nagkataong
Ako’y babastusin ng lalaking buhong;
Lumao’y binawi si ama ng Poon.

Aking iningatan ang lumang lanseta,
Saka ibinigay sa bago kong sinta.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: