Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 7, 2007

Larawan Sa Bimbinan (Brigada 208 P-690)

Lumang kamerang nabangkiki sa baul
Ang piping saksi sa bimbinang iyon.
Rehas na ang loob ay isang kuwartong
Ang ilaw ay umaandap, may silakbo’y
Walang gilaplap ang takot ng tayo ay ikandado.
Ang bawat hudyat ng kislap ay kisap-nagbabago,
Nawawala ang lungkot, rumurumbo’t gumugulong
Sa ating dalawa ay humbak ng dambuhalang alon
At tayo’y walang tigil, may katuwaang lumalangoy,
Kinukubabaw ang rabaw ng sigwada at daluyong
Upang maigpawan ang hampas at tayo ay makalukso,
Lumundag sa ating ginagawang nakatagong paraiso.
Uugit tayo ng isang pag-ibig na ang tinutungo’y
Ngayon at hanggang dulo ng isang pagbabago.
Galit man sa ating dalawa ang mundo, ang layon
At ating gagawi’y para sa masayang dapithapon
Na hindi natin malilimutan ang larawan ng kahapon.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: