Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 7, 2007

Kaldera (Ang isla ng Talim sa lawa ng Laguna)

O, isla ng Talim lunan kong hantungan ng mga bibinga at patay na lukan,
Hindi nauubos ang simoy ng hanging nangagkakasundo sa dunggot amianan;
Ang dahon ng kahoy, hagahas ng kogon ay parang binungong anit na sinuklay
Kaya nga hindi ko maipagpapalit saan man pumaro’n, saan man tumahan.

O, lawang Laguna kadluang biyaya, kaldera ng lawa naming maglalayag,
Ang rumbo ng alon at kilos ng agos sa pusod ng laot ay laging kayakap;
Ang lurok ng ulan hanggang sa paghulaw ay nagpapangiti sa kumpulang ulap
Kaya aayaw kong dumuong sa dahik ang aking regata’t tanggalin ang layag.

Sa kuwengkang lambak naroon ang talong pinamumugaran ng sanlibong aliw,
Ibo’y walang tigil ang silang pagdagit sa bulig at hipong doo’y naninigil;
Mayungyong na duklay sari-saring pugad ang masusulyapang bayog at nagbitin
Lagaslas ng tubig kay-lamig humagod sa aking katawang walang paninimdim.

Tuwing dapithapon ay hinahayuma ang gahak na lambat sa dalampasigan,
Upang di magtanan yaong mahuhuling biyayang kaloob sa baklad kong umang.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: