Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 7, 2007

Indak Sa Tanghaling Tapat (Sa Hardin Ng Maynila)

Umiindak ang tanghali, sumasayaw!
May impit na bulong, O, iyong pakinggan,
O, tirikang araw sa tarikang bulik;
Ligwan at bulaklak kambal ang hagikhik.

Naroo’t narito’y nagsasaliw-tugtog,
Duwetong humimig habang buwa’y lubog.
Bawat oras,saglit ay walang paghupa
Ang kundimang himig ng bulungang akda.

O,kudlit ng kidlat at dungdong ng kulog
Sa pawiring langit, nawa’y makapasok—
Bumalong sa matris ang dagta ng dita,
At paaalipin paghupa ng luha..

Tamis ng hiwaga’y nalasap, bumusog
Sa ulilang gutom indak ay maharot.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: