Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 7, 2007

Hindi Ako Babalik sa Dalampasigan

Hindi Ako Babalik Sa Dalampasigan

Hindi na ako babalik sa dalampasigan
Upang panunghan ang durog na bibingang
Nirumbo ng alon at anlog sa kayangan
Ng aking panagimpan at nakaraang alaala.

Nais kong maging isang panaginip lahat
Ang mga gunitang laging umaantaw
Sa rabaw ng pasigang walang wakas
Ang sigwada at daluyong ng agam-agam.

Ayaw ko nang balikan pa ang aplayang
Umaawit ng talindaw at sonatang namamaos,
Hindi ko na hihilaman ng luhang nagpipita
Ang buhanginang naging saksi sa pag-irog.

Babalik lamang ako sakaling wala nang bagting
Ang araw sa laot na humuhuran ng takipsilim.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: