Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 7, 2007

Bulong Ni Rio Kay Amorsolo

Nagdiliryong taon ng siya’y bulungan ng isang makata
Sa bahay ng isang nag-imbitang dilag na may litsong handa.
Salubong ng tao’t salubong ang kilay ng naging dakilang
Pakindat-hindutang daliri’y tumaas at tatawang bigla.
Natupad mo na raw ang tanging dalanging manumpok-salita,
Kaya humanda kang hindi maglalao’y maraming diwatang
Sabayang kakaway sa dunggot ng puso at pawang hahanga.

Ikaw’y babaligtad,bibiling,iikot sa hilerang andas,
Pipiliing ada’y laging nakangiti’t iba’ng halimuyak;
Dahil magaganap ang isang pagsubok at tabak-titilad
Sa kumukubabaw na isipa’t diwang pumakat ang libag.
Huli na ang bulong Mambebersong Kamyas na nagsasa-pantas,
Bago ka bumulong meron nang bumagbag at tangang bulaklak
Ang bagong makatang sa gasebong hardi’y naunang namitas.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: