Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 7, 2007

Bulong Hanging Pag-ibig

Babae kang sa puso mo’y nunulas ang pagmamahal,
Magdalenang bintang ay makasalanan;
Dahil ang pag-ibig ay hindi natikman
Kaya ikaw’y naghahanap ng pugad na yuyupyupan.

Di malimot ang nagdaang kaakibat ay siphayo,
Sa iyong kauling waring walang pusong
Uli-uling sigwa’t may buhawing bugso;
Isang panang humaginit sa diwa mo ay tumimo.

Pupong taon ang nagdaan ang landas mo’y walang sinag,
Kunyapit mong dasal hagulgol ang iyak;
Pusong nagdurugo’y tuloy ang pagnaknak
Nang dumating mambebersong kabalagtas na naglunas.

Tinudla ka ng palasong nanggaling sa bulong-hangin
Ang luha mong bumabalong naagnas ang salamisim.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: