Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 7, 2007

Bulaklak

Bulaklak

I sa kang bulaklak sa gitna ng hardin,
N a itinatawing ng harot na hangin;
A ko ay nagtangkang ikaw ay pitasin
S ubalit may harang na gagambang bagting.
A king binalangkas na ikaw’y mapitas,
M ulang makita kang may impit na iyak;
K inandong ko’y alon sa lawak ng dagat
I dinidilig kong may tuwang halakhak.
T inik ng sanga mo’y aking iningatan,
A ng iyong talulot aking hinahagkan;
N aroong himasin ang hamog ng nektar
G alawin ang ugat nang mahimasmasan.
P inulak kong bigla at ikaw’y sinamyo,
I kaw’y nagpaunlak at ako’y sinuyo;
T ayo ay naglunoy sa masigwang dapyo
A ting pinagkambal ang bulong ng puso.
S ilay ng pag-ibig,bulaklak, bubuyog,
I to ay hiwagang sadyang nakabalot
N a ating minana sa mundong uminog.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: